Linggo, Disyembre 30, 2012


"diwata ng madja-as" 
Ang bawat barangay ay may kanya-kanyang pambato para sa diwata ng madja-as, ang bawat diwata ay may kanya-kanyang presentasyon para sa para maipanalo ang korona ng diwata. Syempre may mga categories na dapat nilang pagdaan, katulad ng SWIMSUIT, TALENT PORTION, at pinaka importante QUESTION AND ANSWER. Ang bawat diwata ay  sinusubok ang  talino nila. Matatalino naman ang bawat pambato pero iisa lang talaga ang panalo, iisa lang ang pinaka matalaino.

MADJA-AS FESTIVAL
Tuwing  ika-3  ng marso ipinagdiriwang ng mga culasiƱos ang “MADJA-AS FESTIVAL” , sa pamamahala ng kanilang mayor na si Ginoong Joel Alpas  Lomugdang  ay matagumpay na naipag-daraos  ito hanggang sa kasalukuyan.  Iba’t- ibang aktibidades ang isinasagawa sa tuwing ipinagdiriwang ito, katulad ng mga malikhain at katutubong sayaw na nagpapakilala ng kultura at pamumuhay ng mga culasiƱos simula pa noong unang panahon.
Ang bawat barangay at paaralan ay nagsasagawa ng kanilang mga iba`t- ibang presentasyon upang  makapagbigay ng kasiyahan  at aral sa mga manonood. Iba`t-ibang  paligsahan ang ipinag daraos sa bayan ng culasi, Gaya ng  karera ng Bangka  papunta ng isla ng mararison , ang isa sa mga 3 pulo ng makikita  sa bayan ng culasi.
ang bawat baranggay ay nag paparada, kasama na dyan ang mga guro, mga istudyante, mga opisyales ng culasi, mga propesyonal katulad ng mga doctor,pulis at iba, kahit mga organisasyon ay nakikiparada para sa pag umpisa ng pista. Ang lahat ay nakasaksi sa pag umpisa ng pista, nakaraang pista ang  mayor na si joel alpas lomugdang ay nagpalipad ng mga lobo. Kahit hindi taga culasi ay nakisalo din sa pag uumpisa ng pista.